Wednesday, July 31, 2019


PILIPINO SA PILING LARANGAN

(MALIKHAING PORFOLIO)


LESTER JOHN S. PINTO




KARANASAN NG ISANG BATANG INA

ISANG PANANALIKSIK
 Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology


ABSTRAK
Image result for abstrak sa akademikong pagsulat pic
    Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”.

Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpot lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital. 


______________________________________________________________________________



KATITIKAN NG PULONG




Image result for katitikan ng pulong
DYC
SAN MANUEL, ISABELA, CENTRO
Petsa: Hulyo 6, 2019
Lugar ng pagpupulong: Our Lady of Lourdes Parish

Mga dumalo                                          

       Lester Pinto  
·         Princess Mariano
·         Reynaldo Torres
·         Emil Justine Ringor
·         Destiny Ringor
·         Kevin Domingo
·         Jm Dulay
·         Jeric Fernandez
·         Leigh Mateo
·         Mico Pagatpatan
·         Kenneth Cadday
·         Wesley Acosta
·         Lester Bautista

Mga hindi dumalo

·         Clyde Balais
·         Jescel Dulay
·         Jhanica Fernandez
·         Rodolf Acosta
·         Alyza Mendoza
·         Mark Lester Pinto

  
 Daloy ng usapan
·         Panalangin
·         Pinagusapan ang mga gagawin at idadala sa DYC
·         Mga babayaran sa pagpapgawa ng damit
·         Solicitation
·         At iba pa.

Panimula: 
Jeric Fernandez
Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong na ika- 1 ng hapon, ika- 6 ng hulyo,2019.
Panalangin na nagmuk kay Kenneth Caday.

Jeric Fernandez
Matapos ang Panalangin dumako na tayu sa idadalang mga gamit sa seminar, sa t-shirt na isusuot at sa mga magbibigay ng solicitation. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestiyon.

JM Dulay
Nagrepresenta na magdala ng cooler para sa mga food and kit na idadala sa seminar.

Emil Justine
Nagrepresenta na isa ang kanyang parents na sosolisitahan.

Gunin din ang mga ibang Kalahok na sina;
Lester Bautista
Keneth Caday
Harold
Mico Pagatpatan

Jeric Fernandez
Kung wala ng suhestiyon ng bawat isa, tinatapos kona ang pagpupuplong na ito.
na susundan ng closing prayer ni: lester Bautista.


Natapos ang pagpupulong ng maayos ng ika 3 ng hapon, ika- 6 ng hulyo, 2019.

_______________________________________________________________________________


TALUMPATI
Image result for talumpati picture



Kahirapan, May Pag-asa pa bang Masusulusyunan? 

   Isang magandang pagbati sa nagbabsa ng aking talumpati. napili kung italumpati  ang kahirapan dahil isa ito sa hindi mawalawalang issue sa ating bansa at isa na ako dun na nakakaranas ng kahirpan. sabi nga ng aming guro nasi sir Nelson na "Mahirap lang tayu ngayon" at isa ito sa naging inspirasyon ko sa aking pag-aaral at kailangan kung mag-aral ng mabuti para sa maianagat ang aming pamilya sa kahirpan.
Tingnan natin ang ating bansang Pilipinas. Maganda, mayaman at masaya. Ngunit, alam ba ninyo na sa kabila ng magandang imahen ng ating bansa ay nagkukubli ang isang suliraning batid ng karamihan pero bulag sa kasagutan.

Kahirapan, iyan ang suliraning kinahaharap ng ating bansa. Isang suliranin na deka-dekada nang problema ng ating bansa. Isang suliranin na kahit na anong gawin ay mahirap mawala. At, isang suliranin na hindi lang naninira sa imahen ng ating bansa kundi naninira rin sa kinabukasan ng bawat isa.

Ngayon, ang tanong ko, masusulusyunan pa ba ang kahirapan sa ating bansa?

Kung iyan ang tanong, iisa lamang ang kasagutan at iyon ay OO.

Mga kababayan, dapat nating unawain na ang kahirapan ay ang naging bunga lamang ng ating pagiging ganid, tamad at pagsasawalang-bahala. Hindi ito dulot ng ating kasaysayan at panahon.

Ngunit, sa dinami-dami na ng itinakbo nitong suliranin sa ating bansa, alam kong napapansin ninyo na paliit nang paliit na ang pag-asa natin para mawala ito. At, ito’y dahil sa mga Pilipinong lalo pang pinapairal ang pagkaganid sa pera kapalit ang kinabukasan ng iba. Pinapayaman ang sarili kapalit ang pagpapahirap ng ilan.

Isama pa ang mga Pilipinong namimili ng mga trabaho imbes na makuntento lamang dito. Mga kaibigan, dapat natin isipin na walang naaabot na hindi magmumula sa maliit. Kaya, ano ang kinahihinatnan ng ilan? Sila’y nawawalan na ng trabaho.

Ang mga pulitikong nagsasawalang-bahala sa ganitong suliranin ay nagdudulot din ng kahirapan. Imbes kasi naito’y bigyan kasagutan ay kanila itong sinasawalang-bahala. Ang mga programa para sa mahihirap ay isa nang malaking ginhawa para sa mararalita. Ngunit, minsan ay hindi ito pinaglalaanan ng pansin at kasagutan.

Ngunit, ang pamahalaan ay hindi pagawaan ng kaginhawaan. Mga kapwa kong Pilipino, matutuo tayong magsikap, matuto tayong magsipag at hindi parating nakasandig sa ating pamahalaan. Ang kaginhawaan ay pinaghihirapan at hindi inaasa sa iba.

Alam kong sa panahon natin ngayon, mahirap na para masulusyunan ang problema ng kahirapan sa ating bansa. Walang sapat nagamot para rito. Walang tamang sagot para sa tanong na ito.

Ngunit, kung tayong lahat ay magsisikap na matugunan ang problemang ito, matitiyak kong masasagot natin ito. Huwag tayo umasa lamang sa pamahalaan. Isipin natin lagi na kung gusto nating guminhawa ay matuto tayong magsikap para rito.

Ang kahirapan ay hindi panghabangbuhay. Ang kahirapan ay hindi na dapat natin ipamana sa susunod na henerasyon. May sulusyon ang lahat ng problema at nasa sa atin na lamang ito para tuklasin ito. Nasa sa atin na lamang kung paano tayo giginhawa sa kahirapang minsang sumira ng ating pangarap at pag-asa.



______________________________________________________________________________



BIO NOTE
Lester John Pinto

          


Lester John S. Pinto, ay nag tapos ng elementarya noong taong 2012-2013 at nag patuloy siya ng pag-aaral sa taong 2014 sa Malalinta, National, High School bilang isang Grade-7 at madami siyang sinalihan isa dito ay ang, Leadership Training Seminars, Money contest at marami pang iba, at sa taong 2017 nagtapos siya ng Junior highschool at nakuha ang kaniyang diploma, sa taong 2018 madaming sinalihan na leadership at seminars sa simbahan at dahil sa palaging pagiging active niya naging isa siyang leader ng kabataan sa simbahan ng Our Lady of Lourdes Parish, sa pagtungtong niya sa grade-11 tumakbo siya bilang isang SSG officers, at siyay nanalo bilang isang SSG P.O at sa kasalukuyan nasa grade-12 na siya ngayon nag-aaral at pinagpapatuloy ang kanyang
nasimulan.



_______________________________________________________________





Adyenda
 

No photo description available.
Related image


Petsa: Hunyo 26, 2019                                                          
 Oras: 9:00 am – 11:00 am
Lugar: Malalinta National High School
Paksa:/ Layunin: Preparasyon para sa DYC


Mga Dadalo:
·       Lester Pinto
·       Jescel Dulay
·       Princess Mariano
·       Reynaldo Torres
·       Emil Justine Ringor
·       Destiny Ringor
·       Kevin Domingo
·       Jm Dulay
·       Leigh Mateo
·       Mico Pagatpatan
·       Kenneth Cadday
·       Wesley Acosta
·       Lester Bautista


Mga Paksa o Agenda
      Mga gagawin at idadala sa DYC
      Mga babayaran sa pagpapgawa ng damit


Taong tatalakay
      Jeric Fernandez


Oras
      20 minuto




_________________________________________________________________________________





 Image result for halimbawa ng sintesis sa akademikong sulatin


Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental,Sosyal at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral


Epekto ng Pambu-bully 31 Ang bawat mag-aaral ay may mga bagay sa kanilang sarili na maaaring ika-inggit ng iba.Ito ang isa sa mga dahilan na pinaniniwalaan ng karamihan kung tatanungin ang panig ng biktima. May ugali, kadalasan, ang mga nambu-bully na kapag mayroon silang nakitang wala sakanila at nakita nila ito sa iba, nakararamdaman sila ng yamot at inggit kung kayat gusto niyang nasasaktan ang kinaiinggitan niya. Ilan din sa mga dahilan kung bakit mayroong mga bully aydahil ninanais nila na magkaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang iba o ang pagigingmataas kaysa sa ibang tao (teoryang dominance) at dahil sa pag-adap nila sa parehong gawain ngnasa kaniyang kapaligiran (teoryang ecological systems), nagiging kaaakit-akit sa kanila ito atnagkakaroon sila ng kuryosidad ukol sa pambu-bully kung kayat nagagamit nila ito sa pakikisalamuha sa ibang tao (teoryang attraction) Naiiwasan naman ang “bullying” ngunit nak adepende na rin iyon sa pamamaraan ng biktima. Maaari itong maiwasan ng biktima sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa mga nambu-bully dahil hanggat pinapansin niya ito at nagpapaapekto siya rito, lalong hindi titigil ang mga tao na i-bully siya. Hanggat maaari rin ay panatilihing umiwas sa mga nambu-bully at masmakabubuti kung sumasangguni ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro, lalo na kung ang pambu-bully ay nasa loob lamang ng paaralan, at sa kanilang mga magulang.Bilang kabuuang resulta ng pag-aaral na ito, walang alinlangang pagpapalagay ngmananaliksik na walang mabuting dulot ang pambu-bully sa isang tao.




###############################################################################



Image result for pakikipanayam


PAKIKIPANAYAM



Pakikipanayam sa Tindera na si Cheryl Aguinaldo

1.    Ano po ang panglan niyo?
Cheryl S. Aguinaldo
2.    Saan po kayo nakatira?
Cabaritan San Manuel, Isabela
3.    May asawa na po ba kayo? ilan po ang anak?
Opo, at may isang anak.
4.    Gaano na po katagal nangtitinda?
Tatlong taon na akong nagtitinda at lunes hanggang sabado ako nangtitinda
5.    Magkano naman po kinikita niyo sa isang araw?
Depende kung maganda ang panahon. Pag maganda ang panahon kumikita ako ng isang libo sa isang araw at pag pangit naman ang panahon ganun pag tag-ulan wala akong masyadong natitinda.
6.    Masaya naman po kayo sa trabaho niyo?
Oo naman, kasi kahit sa maliit na kita may pinapakain ako sa anak ko. Tas yung asawa ko kasi nasa abroad.


 ############################################################
Image result for panukalang proyekto



Panukalang Proyekto sa Paggawa ng Bakod sa harapan ng bawat bahay Malalinta, San Manuel, Isabela

-ni Carol, King, Lester, Rodel, Janmel, at Rose Ann

I. PROPONENT NG PROYEKTO: King, Lester, Rodel, Janmel, Rose Ann at Carol
II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Paggawa ng Bakod sa harapan ng bawat bahay ng Malalinta, San Manuel, Isabela
III. PONDONG KAILANGAN: Php. 200.00
IV. RASYONAL
Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at organisadong pamayanan at maayos na bakod ang bawat bahay ng mga taga Malalinta, San Manuel, Isabela.
V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO
· Deskripsiyon
Pagsasaayos at pag papaganda ng mga harapan ng bawat bahay ng mga residente.
· Layunin ng Proyekto
Mabigyan ng kalidad at may kaayusang  lagyanan ang mga tao sa loob ng barangay.
VI. KASANGKOT SA PROYEKTO
Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:
· grupo ng mga mang-aawit
· may-ari ng bahay


VII. KAPAKINABANGANG DULOT
Ang mga mamamayan ng Malalinta, San Manuel, Isabela ay matutulungan nito sa pamamagitan ng pagpapaganda ng kanilang bakuran at pati na rin ang harapan ng bawat bahay. Kaugnay nito, mahalagang magkaroon ng inobasyon ang mga mamamayan upang magkaroon ng kaayusan at kapaki-pakinabang na kapaligiran. Sa pamamagitan ng panukalang ito, maiiwasan ang mga pangyayaring di kanais-nais.
VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA
Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itnatakda ang mga sumusunod na mga gawain o hakbangin:
Kailangang kumpirmahin ang awtoridad ng mga mamamayan nito.
Hingin ang patnubay at gabay ng mga opisyales ng barangay upang matapos ng may kabuluhan ang proyektong ito.
XI. GASTUSIN NG PROYEKTO
Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang mga mang-aawit ng Php 200.00 na inlalaan sa sumusunod na pagkakagastusan tulad ng pako at iba pa.
Inihanda ng:

Mang-aawit
CAROL JOY YRA
KING MARK OBINA
LESTER JOHN PINTO
JANMEL MANZANO
RODEL TAGAO
ROSE ANN DION










PILIPINO SA PILING LARANGAN (MALIKHAING PORFOLIO) LESTER JOHN S. PINTO KARANASAN NG ISANG BATANG INA ISANG PANANALIKS...